Wednesday, November 18, 2009

WHY?????

matagal-tagal narin akong di nakakapagblog dito.
siguro ay dahil sa kabisihan sa life ay nakakaligtaan ko nang magblog at kung minsan pa talaga ay dahil tinatamad lang ako.

kaya ngayon ako ay nagbabalik na naman.

heto na naman tayo.
bat mo ba akong pilit ginugulo?
sinusubkan na nga kitang kalimutan, pero pag ako ay nag.iisa, lagi kitang naalala.
pwedeng layuan mo na ako?
matagal ko nang tanggap ang pangyayaring yon. at dahil diyan ay talaga naman nahihirapan akong magtiwala na sa mga lalaki.

pero teka lang, hindi ang mga EX ang tinutukoy ko dito.
pero isang sikreto na kaunti lamang nag nakakaalam.
isang sikretong di ko masabi-sabi sa lahat dahil natatakot ako.
natatakot ako kung anung pwede nilang maisip pag nalaman nila ito.

kung minsan ako ay naiiyak na lamang kapag naiisip ko ang bagay na ito.
di kasi maiwasan kung minsan eh.
siyempre naging parte na ito nang katauhan ko.
paano ko pa ba ito makakalimutan?
kung di naman talaga nakakalimot ang tao? nagpapatawad lamang?

kaya mga kaibigan ko, wag kayong magtaka kung bakit ayokong mag-isa sa panahon na ito at palagi akong naghahanap ng kasiyahan pag kasama ko kayo.

ito kasi ang paraan ko para pansamantalang di ko maalala ang sikretong aking tinutukoy dito sa blog na ito.

sa totoo lang, may mga panahong pag ako ay nagiisa, di ko maiwasan ang umiyak. kasi naman eh...

bakit ba kasi sa akin dapat mangyari yon?
ano bang dahilan kung bakit sa akin nagyaring yon?
dahil kaya ko bang tanggapin lahat? dahil malakas ako?

siguro nga malakas ako. pero may mga panahong sasandal na lamang ako sa balikat ng mga kaibigan ko o di kaya'y yayakapin sila.
kasi di naman talaga sa lahat ng oras, malakas ako eh.

tao lamang ako. :(

3 comments:

  1. *hugs.
    i feel bad for what happened ding, im always here kahit busy ako, sabihin mo lang kung hebigat na masyado bibigyan ko ng panahon yan.
    soree kung madalas di na tayo maxado nakakapagbonding gaya ng dati kasi nga andami nating mga responsibilities na dapat gawin.
    sa mga panahon na nahihirapan ka na, wag ka lang mahiya na sabihin kasi di ko naman malalaman kung di ka magsasalita.
    ayoko din naman may mangyari sayo na mas masahol pa jan.right now i hope makahanap ka ng solitude with us.:) pray lang tayo ding. mmmmmmwwwwwah.

    ReplyDelete
  2. yes redge. we're just here :p
    chaaaaaaaar. xaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat!

    ReplyDelete
  3. xat jampong? lat lang.. hahahaha.. :p

    ReplyDelete