Thursday, May 28, 2009

LAGI NA LANG.

lagi nalang.
sa tuwing kinakausap kita,
lagi nalang.
di ko na tuloy alam ang gagawin ko sa yo.
di ko na maintindihan ng sobra-sobra kung bakit ka ganyan.
ano ba kasi talaga ang gusto mo?
pinatawad na kita at lahat-lahat.
nirerespeto pa rin kahit palagi mo nalang akong sinasaktan.
di ko parin alam kung bakit ka ganyan makaasta.
ano ba ako sayo talaga?
di ba dapat alam mo ang sagot sa tanong kong yan?
pero bakit parang di yang ang turing mo sa akin?
tinanggap ko ang mga pagkakamali mo.
pero bakit pakiramdam kong di mo tanggap ang mga ito?
bakit pakiramdam ko pa ata ako ang may mali?
hindi ba't parang di ata dapat ito?
sana naman ay magbago ka na.
sabi nila lahat ng tao nagbabago.
pero bakit pakiramdam ko ikaw hinid?
tao ka ba?
tao naman siguro diba?
kaya sana maramdaman mo tong sakit na nararamdaman mo.
pakiramdaman mo kasi nang maramdaman mo kasi.
isipin mo naman ako.
isipin mo naman na ako ang nakakarma dahil sa mga ginagawa mo.
bat mo kaya ako natitiis pero ikaw hinid ko matiis?
ano ba?
hihintayin ko nalang ba ang araw kung kelan mararamdaman ko ulit..
ang pagiging ama mo, DAD?

No comments:

Post a Comment