Saturday, June 6, 2009

HOPING AGAINST HOPE

hindi ko pa rin lubusang naramdaman na magfo.fourth year na pala kami next semester.
kung di lang talaga ako nireremind ng iba sa mga uberfriends ko tungkol sa thesis.
ni hindi ko nga alam kung bakit kelangan naming gawin yan.
magagamit ba yan sa trabaho namin sa hinaharap?
eh ang pagkakaalam ko,
maguumpisa ulit kami sa pinaumpisa kapag kami ay nagkatrabaho na.
kumbaga, parang mawawalan ng saysay ang pinag.aralan namin.
pero siyempre, except sa mga datos na tumatak sa utak namin.
at malai namin kung anu-ano ang mga iyon.
kung bakit kasi di nalang manuscript eh.
para isasalaysay nalang namin sa kanila kung ano ang mga pinagdaanan namin sa ojt na ipagkait sa amin.
may mas higit pa bang nakakalungkot sa pagiging comarts student namin?
halos lahat ng kurso sa upmin, merong ojt..
kami pa na naturingang kelangan ng exposure, wala?!
pano nalang ang future namin nito?
paano nalang namin ma.aapply ang aming mga "napag-aralan" habang kami ay nag-aaral pa?
bilang preparasyon sa isa sa mga magiging trabaho namin?

hay naku.
alam ko naman walang patutunguhan ito.
dahil wala nang pag-asa ng kami ay makapg.ojt.
pero malay natin, magkaroon ng himala.
na aking napagtanto na imposibleneg mangyari ngayon.
pero sige nalang.
sige nalang ng sige.

pero bumalik nga tayo sa "thesis"
kung tutuusin, sa mga thesis na binasa,
mukhang pabalik-balik lamang ang content.
pero naisip ko,
mahirap parin siyang gawin.
lalo na ang concept paper.
pero ang worse pa diyan, okay na ang concept paper mo.
nakapg-gather kana ng data,
pero yun pala, di pa iyon sapat?!
nakakatakot naman yan.
ewan ko, ewan ko talaga sa thesis na yan.
pwede mawala na yan sa isip ng aming mga propesor ay hayaan nalang kaming grumadweyt nang wala yan?

hoping against hope.
imposible naman talaga.
siguro, kung math pa yan, baka hindi ako masyadong mamomroblema.
kaso writing yan.
patay tayo diyan.
effort kung effort talaga ito.
iniisip ko nga kung makakaya ko yan.
lalo na sa pagdedefend sa topic ko.
straight English?!
wow!
diyan ako mahina.
buti sana kung ang mga hapon kong estudyante ang kakausapin ko.
di naman kasi nila masyado na.nonotice ang grammatical errors eh.
pero mga propesor namin sa UP?
di mo pa nga lang natatapos banggitin ang sentence, alam na kagad nilang may mali.
bossing naman..
bakit nio ako hinayaang kunin ang kursong di naman ata dapat para sa akin?!
pero sabi nga nila, hindi naman sa'yo ibibgay ni bossing ang problema kung hindi mo naman kayang lutasin.
at isa pa nga pala.
DI NGA PALA DAPT PROBLEMAHIN ANG PROBLEMA SAPAGKAT DADAGDAG LANG ITO SA PROBLEMA MO. *winks*

No comments:

Post a Comment