Monday, February 15, 2010

IMMIGRATION VISA

masyado akong excited noon nang sinabi ng ermats ko na magfafile na raw siya ng immigration namin last january.. talagang super excited dahil finally, makakapiling ko na mom ko..

kaso nung finally na niyang sinabi na nagfile na siya, di ko maintindihan yung bigalng naramdaman ko. dati eh sigurado akong excited ako, pero ngayon, ewan ko bah..

marahil siguro naging close ako sa mga taong kasa.kasama ko ngayon.. sila kasi ang kaagapay ko sa mga panahong nangangailangan ako ng tulong.. sa mga panahong malungkot ako.. sa mga panahong wala akong magawa.. actually, i think sa lahat ng panahon.. patawa ba ako? hehehe.. :)

pero sa totoo lang, pakiramdam ko ayoko nag lisanin ang pinas. feel ko kasi dito ako magiging masaya.. nandito na ang mga friends kong maaasahan.. nandito rin ung special someone ko.. kaya ngal ang, wala rito yung mga kapamilya kong matagal ko nang di nakikita.

matagal pa naman ang four years. matagal pa nga, pero baka di ko namamalayang 4 years na pala at baka tuluyan na akong pumunta sa tate.

eh parang desidido ata ang ermats ko na makuha kami kagad dito sa pinas at magkasam na kami ulit..

buti sana kung pwede kaggad ako makabalik dito pag nagkataon, eh hindi naman dahil ang mahal mahal kaya ng pamasahe noh. todo kayod muna bago ako makabalik dito. hahai.

kasi naman.. baka siguro di ko kaya tanggapin ang fact na kaapg nagkatotoo na talaga ito, first taym kong mangiiwan ng mga tao. eh sanay pa naman akong ako ang iniiwan. oops! di ako emo ha.. nagsasabi lamang ako ng totoo. alam ko kaya ang pakiramdam nang iiwanan.. at truly, masakit noh. lalo na kung di mo alam kung kelang kayo ulit magkikita ng taong iiwanan mo..

wala lang. gusto ko lang malaman ng mga taong makakabasa nito ang nararamdaman ko tungkol sa bagay na ito. ewan ko ba, naiiyak nga ako habang ginagawa itong blog na ito. tsar! peri di nga, naiiyak lang ako. shet. ang layo-layo pa ng 4years pero parang pakiramdam ko ang lapit- lapit na.

sige lang. marami pang pwedeng mangyari. ika nga nila, "it's too soon to tell what may really happen.."

:)

No comments:

Post a Comment